MGA BATAS UKOL SA REPORMA
* Pangulong Ramon Magsaysay
-Batas republika blg.1160, naitatag ang National Settlement Rehabilitation And Administration(NARRA) na nangangasiwa sa pamamahagi ng lupa ng pamahalaan sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan at sa pamilyang walang lupa.
* Carlos P. Garcia
-Batas republik blg.3844 (Agricultural Land Reform Code) ayon sa batas na ito ang mga mambubungkal sa lupa ay itinuturing na tunay na may ari ng lupa. Inalis din ng batas na ito ang sistemang nagpasimula ng isangmalawakang reporma sa lupa.
* Pangulong Ferdinand Marcos
-Batas republika blg.6389 (Agrarian Reform Code) at batas republika blg.6390. Itinatag ang Department Of Agrarian and Agrarian Reform Special Account Fund, ang dalawang ahensiya ay nagpapatuloy sa posisiyong ng mga magsasakaat pinapalawak ang sakop na repormang Agraryo.
* Pangulong Corazon Aquino
-Batas republika blg.6657 ito ay ang Agrarian Comprehensive Reform Law(CARL). Ang batas na ito ay ang pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program(CARP) sa ilalim ng programang ito ang lahat ng pampubliko at pambribadong lupain ng lupaing agrikultural. Ano man ang itanim ay ipamamahgi sa mga magsasakang walang sariling lupa.
* Fidel V. Ramos
-Batas republika blg. 7811 ang batas na ito ay nagtatakda na ang pangingisda ay hindi kasama o sakop ng CARP. Batas republika 8435 Agriculture Ang Fisheries Modernization Act(AFMA) naglalayon na paunlarin ang subsektor ng pangingisda at pagsasaka sa pamamagitan ng moderno at makabagongmga kagamitan upang makasigurado sa siguridad at kalidad ng bawat produkto.
SULIRANING IKINAKAHARAP NG SEKTOR NG EKONOMIYA
* Kakulangan ng sapat na imprustraktura at puhunan ay isa sa anim na suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura. Maraming produkto ang nasisira at nalalanta dahil sa kakulangan ng imbakan o storage at kawalan ng transportasyon. Hirap rin ang magsasakang paunlarin ang kanilang produksiyon dahil kulang ang kanilang puhunan ipambili ng mga kinakailanganng makinarya sa produksiyon. Kaya naman unti-unting bumababa ang production rate ng ating bansa. Masosolusyonan lamang ito kung magbibigay ng subsidy o maliit na puhunan sa mga magsasaka upang magkaroon ng sapat na puhunan sa pagsasaka.
SULIRANING AGRIKULTURA
* Ang sektor ng agrikultura ng ating bansa ay nakararanas ng maraming suliranin dahil na rin sa maling pamamalakad at di sapat na programa ng ating gobyerno. Ang sektor ng agrikultura ay may malaking gampanin sa ating ekonomiya dahil ito ang pinanggagalingan ng hilaw na mateyales na ginagamit ng ating industriya upang maging yaring produkto at ginagamit rin ito sa iba't ibang uri ng serbisyo.
* Isa rin sa mga nasasabing pinakamalaking suliranin ay ang pagdagsa ng dayuhang produkto o imported goods. Globalisasyon ang naging susi upang dumami ang dayuhang produkto sa ating bansa. Isa ito sa suliraning mahirap masolusyunan dahil na sa dugo na natin ang pagkahilig sa produktong gawa ng mg dayuhan. Ang suliraning ito ay nang kompetensya sa pagitan ng lokal na produkto at dayuhang produkto. Ang natatanging solusyon dito ay ang paghihigpit sa mga dahuyang produkto na pumapasok sa bansa.
* Kakulangan na ata sa teknolohiya ang dahilan kung bakit huling huli na ang kalidad ng ating mga produkto kaysa sa ibang bansa. ito na rin siguro ang dahilan kung hindi natin kaynag makipag-kompetensya sa ibang bansa sa larangan ng agrikultura. "Sapat ang ating supply kalidad lang ang sablay" sabi ko. Kaya nating makipagsabayan sa ibang mga bansa sa larangan ng agrikultura dahil nabiyayaan tayo ng masaganang likas na yaman lalo na ang ating kalupaan. Tanging makabagong teknolohiya na lamang ang kulang sa ating agrikultura. Pagbibigay ng tamang edukasyon sa paggamit teknolohiya ang pwedeng gawin ng ating gobyerno dahil di sapat ang pondong nakalaan para sa mga ito.
* Tanging magagawa ng ating gobyerno ay paigtingin ang mga programa ukol sa pagpapalago ng ating ekonomiya lalong lalo na sa sektor ng agrikultura.
* Ang suliranin ay kaakibat na ng buhay ng tao. lahat tayo ay nagkakaroon ng suliranin. Sa puntong ito hindi rin nakaligtas ang mga mahalagang sektor ng ating ekonomiya tulad ng agrikultura.
+ Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya
+ Kawalan ng sapat na imprastaktura
+ Kawalan ng kongretong programa sa pagma-may ari ng lupa
+ Mababang halaga/presyo ng produksyong agrikultural
+ Kompetisyon sa mga dahuyang produkto
MGA SOLUSYON SA MGA SULIRANIN NG AGRIKULTURA
1. Tunay na pagpapatupad ng reporma sa lupa
2. Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura
3. Pagbibigay ng subsidy sa maliit na magsasaka
4. Pagpapatayo ng imbakan, irigasyon, tulay, at kalsada
5. Pagbibigay ng solusyon sa suliranin ng agrikultura
BENEPISYO NG EKONOMIYA SA INYONG ADBOKASIYA
+ Malalaman ang mga pangangailangan ng mga taona dapat natugunan ng mga nasa gobyerno.
+ Maibibigay sa mga tao ang kanilang mga karapatan na dapat na matanggap
+ Matutulungan na mapa unlad ang ekonomiya ng agrikultura
+ Magkaroon ng hanapbuhay ang mga tao